Ang bagong taon ay isang magandang pagkakataon para magsimula ng mga bagong habit at layunin, kabilang na ang mga financial resolutions. Marami sa atin ang naglalayong maging mas masinop at responsable pagdating sa pera. Pero minsan, ka-Tala, mahirap panindigan ang mga ito, kaya narito ang ilang practical tips para sa iyong financial health ngayong 2025!
1. I-track ang iyong mga gastusin
Ka-Tala, napakaimportanteng i-track ang iyong mga gastos. I-monitor ang iyong income at expenses para matulungan kang mag-budget nang maayos. Kapag ginawa mo ito, malalaman mo kung saan ka dapat magbawas o kung saan ka pa pwedeng magdagdag.
Pwede kang gumamit ng budgeting apps o kahit simpleng spreadsheet na makikita online. Kung mas gusto mo naman ang manual tracking, notebook at ballpen lang ay okay na. Ang mahalaga ay ang pagiging consistent!
2. Huwag magpadala sa uso
Maraming temptasyon tuwing bagong taon—mga bagong gadget, fashion trends, at iba pa. Pero, ka-Tala, mahalaga na magfocus ka sa iyong mga goals at unahin ang mga pangangailangan bago ang mga luho. Hindi mo kailangang sumunod sa lahat ng uso, at maaari ka namang mag-enjoy sa special na okasyon nang hindi lumalabas sa budget.
Disiplina lang at tamang mindset ang kailangan para magtagumpay sa financial resolutions!
3. Maglaan ng pera para sa emergency fund
Ang pagkakaroon ng emergency fund ay isang malaking tulong sa pagharap sa mga hindi inaasahang gastusin—mga medical emergencies, natural disasters, o pagkawala ng trabaho. Ka-Tala, ang ideal ay magkaroon ng savings na kayang magsalba sa iyong expenses sa loob ng tatlong buwan.
Magsimula ka sa maliit na halaga at dagdagan ito kada buwan. Para sa seguridad, ilagay ang emergency fund sa isang hiwalay na account para hindi magalaw basta-basta.
4. Bayaran ang balances at repayments on time
Ka-Tala, kailangan din ang pagbabayad on time ng mga bills at utang. Ang regular na pagbabayad ay hindi lang nakakaiwas sa late fees at penalties, kundi nakakatulong din sa pagpapabuti ng iyong credit score.
Gamitin ang reminders sa iyong phone o mag-set ng alarms para hindi makalimutan ang mga due dates. Sa TALA app, makakatanggap ka ng regular reminders para sa iyong repayment dates, kaya’t hindi mo na kailangang mag-alala!
5. Humanap ng dagdag na pagkakakitaan
Para sa isang mas masaganang taon, maaari mong subukan ang mga side hustles o small business ideas. Magsimula sa mga bagay na alam mong gawin—pagbe-bake, paggawa ng handicrafts, o kahit pag-aalok ng mga digital services. Ka-Tala, marami ring mga online platforms na pwede mong subukan para magbenta ng iyong mga produkto o serbisyo.
Ang pagkakaroon ng extra income ay makakatulong hindi lang sa iyong monthly budget, kundi sa pagbuo ng iyong financial goals sa mas mabilis na paraan.
Kasama mo ang TALA sa iyong Financial Journey
Sa 2025, patuloy ang TALA sa pagtulong sa iyong financial goals. Bilang world’s first fintech for the Global Majority, mayroon kaming flexible online credit at hassle-free loan applications.
Isang halimbawa si Hector, na gamit ang loan mula sa Tala, nakapagpatayo ng negosyo at lumago ito mula sa Php 200. “Isa ang Tala sa nagbigay sakin ng lakas ng loob,” sabi niya.
Patuloy ang commitment ng Tala na paigtingin ang radical trust at magbigay ng solusyon sa financial inclusion sa 2025. Bisitahin ang tala.ph o i-download ang Tala app upang malaman kung paano ka matutulungan!
Kasama mo ang Tala sa bawat hakbang ng iyong financial journey.