Ka-Tala, parte ng bawat financial journey nating lahat ang utang. Kadalasan, ito ay isang bagay na iniiwasan ng marami dahil kapag hindi na-manage ng mabuti ay maaring maging sanhi ng away at stress.
Pero alam mo ba na pwede kang humiram ng pera nang walang halong stress? Dahil kung iisipin, ang utang ay isang paraang para makatulong sa oras ng emergency at pangangailangan. Nagiging sanhi lang ito ng stress at away kapag nagkakaroon ng delay o aberya sa pagbabayad ng utang.
Kaya naman ang goal natin simula ngayon hanggang sa susunod pang mga taon ay to have healthy borrowing habits, o ang tinatawag natin na Happy Utang Mindset! Narito ang ilan:
1. Track Your Expenses
Hindi naman mawawala ang gastusin, pero ang importante ay aware tayo sa kung ano ang mga bagay-bagay na ating pinag gagastusan. Sa simpleng pamamaraan ng paglilista sa papel o sa cellphone, mas madaling tantiyahin ang budget na kailangan para maabot ang ating financial goals.
Read more on ‘Di Mahal ang Magmahal: 3 Love Lessons to Help Manage Your Money
2. Iwasan Biglaang Gastos
Hindi porket may hawak na pera ay dapat na itong gastusin sa mga bagay ni hindi naman kailangan. Tandaan na bilang isang tao na humiram ng pera, may obligasyon tayong dapat unahin para na rin sa ating sariling peace of mind. Tandaan, disiplina isa sa mga sikreto para makamit ang Happy Utang Mindset!
Read more on Experience Is The Best Teacher: 3 Money Mindsets to Unlearn
3. Ipon Pa More
Ka-Tala, ito ay isang bagay na madaling sabihin, pero mahirap gawin. Pero ika nga nila, mahirap man ay worth it din sa huli. Kasabay ng pag track sa iyong expenses ay ang pag tatabi ng kahit maliit na halaga ng ipon. Pwede kang mag simula sa kahit 20 pesos a day.
At kasabay ng pag pili kung magkano ang iyong target amount of savings ay mag decide ka na rin kung gaano katagal mo ito gagawin. Isang halimbawa ng short-term goal savings ay 20 pesos a day for 6 months. Sa huli ay makakaipon ka ng halos ₱3,600! Not bad na yun, ka-Tala!
Sa huli, isa sa mga bagay na makakatulong sa atin ay ang ating mindset! Kaya naman kapag meron kang Happy Utang Mindset, tiyak na makakatulong ito para mapanatiling stress-free ang iyong utang journey! Sabayan mo pa ng isang reliable loan app na katulad ng Tala, you can get fast cash loans in just 5 minutes!