Ka-Tala, dumating na ba ang 13th month pay ng lahat? Isang buong taon ng pagtra-trabaho at paghihintay para makuha ito, kaya congrats sa iyo! Sa pagdating nito, ramdam namin ang malaking ginhawang dala ng extrang cash na ito. At gaya ng lahat ng bagay na ating pinag hirapan, kailangan maging extra wais tayo kung saan natin ito gagastusin.
Kung may isang bagay man na deserve mo sa pagdating ng 13th month pay mo, ito ay ang gamitin ito sa paraan na ikaangat ng iyong buhay; Yun bang may mas permanenteng epekto. Dahil yung kaunting sakripisyo na ito ay pwedeng magbigay-daan sa mas malaking reward na pwedeng mong gamitin para sa iyong “Deserve ‘ko ‘to” moment!
Kaya naman, wais ka kung isa sa mga sumusunod ang plano mong gawin sa iyong darating na 13th month pay:
Wais Option #1: Be Utang-free!
Yes, ka-Tala, you can use your 13th month pay para bayaran ang lahat ng utang mo. Ilaan mo ang iyong extra cash sa pagbabayad ng mga nahiram mong pera ng sa gayon ay pwede mo nang magamit ang mga darating mo pang sweldo sa mga pangangailangan mo sa pang araw-araw.
Achieve mo na ang zero utang na may kasama pang peace of mind! Dahil tandaan, ang happy utang mindset ay ang pagbabayad ng utang as soon as possible upang maging Plan B kung sakaling may matinding pangangailangan muli. With Tala,
Wais Option #2: Mag open ng iyong savings account para sa Emergency Fund
As your reliable financial partner, ka-isa mo ang Tala sa pag hangad ng iyong financial freedom. Sa oras ng pangangailangan ay may nakahandang extra budget, at hindi mo na kailangan manghiram ng pera.
Kaya naman ngayong may 13th month pay ka na, itong extra cash na ito ay pwedeng gamitin pang capital ng iyong bagong savings account, at sa darating na new year, pwede kang maghulog ng paunti-unti sa tuwing ikaw ay may extra sa budget. Claim it, ka-Tala, sa susunod ng pasko ay pwede mo nang gastusin ang 13th month pay mo dahil panatag ka na sa iyong savings.
Wais Option #3: Mag simula ng long-term investment
Sa panahon ngayon, marami na ring paraan upang mapalago ang iyong pera. Ika nga nila, make your money work for you. Kung may kakilala kang financial advisor–oo, yung mga nangungulit tungkol sa insurance–pwede kang mag inquire ng insurance products nila na karaniwan ay may kasama na ring investment ngayon.
Ang kagandahan nito, sa oras ng hindi magandang pangyayari ay panatag ka na may maiiwan ka sa iyong mahal sa buhay, and at the same time, may makukuha ka rin payout na pwede mong gamitin para sa iyong retirement. Pwede itong makamit sa mas affordable na hulugan monthly.