Back to main page

How To Be Smarter Than a Scammer

Kung nabasa mo na ang previous blogs kung paano makakaiwas sa scam – congratulations, ka-Tala! Sana ay hindi ka maging biktima ng mga mapagsamantala.

Ito ang checklist o summary ng mga tips kung paano maging mas matalino sa scammer.

  1. Walang Messenger ang Tala. ‘Wag makikipag-chat sa Facebook Messenger sa kahit anong account na gumagamit ng logo ng Tala.
  2. Walang application fee ang Tala. Wala kang dapat bayaran bago mag-loan kaya kung may maniningil sa inyo at sasabihing ibabalik din agad, ‘wag kang maniniwala.
  3. Gamitin ang sariling reference number at magbayad lamang sa authorized channels: GCash, Coins,ph, PayMaya, 7-Eleven, M Lhuillier, at Cebuana Lhuillier.
  4. Protektahan ang personal information. Wag mag-post sa social media o wag ibigay sa kaninuman ang iyong PIN, phone number, email address, birthday, loan amount, full name, at picture ng ID.
  5. Kung mayroong concern, ang dapat gawin ay mag-email sa support@tala.ph.
  6. Alamin ang aming official website, blog, Help Center, at Facebook page para sa tamang information tungkol sa aming serbisyo.
  7. Maging matiyaga sa pagbabasa ng updates sa Tala app at sa aming official sites.

Nire-recommend namin na basahin ang mga naunang blog para sa mas detalyadong information tungkol sa pag-iwas sa scam, kung hindi mo pa nababasa.

  1. Bakit May Manloloko, at Bakit May Nagpapaloko
  2. Loan and Reloan Application Scams na Dapat Iwasan!
  3. Payment Scams na Maglulubog Sa’yo sa Utang!
  4. Paano Ba Makakaiwas sa Scam?
  5. Identitiy Theft, Alam Mo Ba?
  6. 5 Palatandaan ng Nag-iisang Legit Facebook Page ng Tala

Ang mga scammer ay tuso pero kaya natin silang iwasan. ‘Ika nga ng pamosong salawikain, “Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.

Be smarter than a scammer, ka-Tala!


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: